Isang lalaki ang umano’y nagpatiwakal sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon nitong Lunes, Mayo 12, 2025.
Kinilala ang biktima na si Jasvir, 32 taong gulang, isang Indian national, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Masalukot 1, Candelaria.
Ayon sa ulat ng Candelaria Municipal Police Station (MPS), natagpuan ang kanyang wala nang buhay na katawan bandang alas-onse ng umaga ng kanyang kapitbahay.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakitang nakabitin ang biktima sa harapang pinto ng kanyang inuupahang bahay gamit ang isang electrical cord na nakatali sa kanyang leeg. Huling namataan ang biktima na buhay bandang alas-singko ng hapon noong Mayo 11, 2025.
Isinagawa ng mga imbestigador ang isang ocular inspection sa lugar ng insidente at walang natukoy na palatandaan ng foul play.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, matagal na itong dumaranas ng matinding depresyon bunsod ng kawalan ng trabaho.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
If you or someone you know needs help, contact the National Center for Mental Health Crisis Hotline through the following hotlines: toll-free Luzon-wide landline (1553), Globe/TM (0966-351-4518 and 0917-899-8727), or Smart/Sun/TNT (0908-639-2672). | BChannel NEWS