Isang 23-anyos na social media influencer sa Mexico ang binaril habang naka-livestream sa TikTok, na nagdulot ng matinding pagkabigla sa publiko.
Kinilala ang biktima bilang si Valeria Marquez, isang beauty at makeup content creator na may halos 200,000 followers.
Ayon sa pahayag ng Jalisco state prosecutor, iniimbestigahan ang insidente bilang femicide o gender-based killing.
Binaril si Marquez ng isang lalaking pumasok sa beauty salon kung saan siya nagtatrabaho sa Zapopan.
Ilang segundo bago ang pamamaril, narinig si Marquez na nagsabing “they’re coming,” bago niya i-mute ang livestream. Maya-maya’y narinig ang putok at natapos ang video.
Wala pang pangunahing suspek, ngunit sinabi ni Marquez sa livestream na may taong nagtangkang mag-iwan ng “mahal na regalo” para sa kanya noong wala siya sa salon.
Ang Mexico ay kabilang sa mga bansa na may pinakamataas na kaso ng femicide sa Latin America. | BChannel NEWS