Magpapatayo ang administrasyong Marcos ng panibagong tulay na mas mahaba at katabi ng kasalukuyang San Juanico Bridge, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, ang bagong tulay na may habang 2.6 kilometro ay bahagi ng flagship projects ng pamahalaan at popondohan ng gobyerno ng Japan.
Kasalukuyang isinasagawa ang detalyadong engineering design na inaasahang matatapos sa 2026.
Kasabay nito, isinasagawa na rin ang agarang retrofitting sa mga bahagi ng San Juanico Bridge na itinuturing nang delikado. Dahil dito, pansamantalang may weight limit na 3 tonelada at may libreng shuttle para sa mga pasahero.
Naglatag na rin ng alternatibong ruta ang Philippine Ports Authority para sa mga biyaheng Luzon-Leyte habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni.
Target na itaas ang weight limit ng tulay sa 10 tonelada bago matapos ang 2025. | BChannel NEWS