Isang babae ang nalunod sa dagat matapos sumakay sa banana boat na tumaob sa Purok Maligaya, Barangay Dinahican, Infanta, Quezon bandang alas-3:00 ng hapon noong Mayo 29, 2025.
Ayon sa Infanta Municipal Police Station, tumawag sa kanila si Isabelo, 53 taong gulang at may-ari ng isang Beach Resort, upang iulat ang insidente.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na habang namamasyal ang grupo ng biktima sa isang Beach Resort, sila ay sumakay sa isang banana boat na inarkila. Habang sila ay nasa gitna ng karagatan, isang malakas na alon ang tumama sa banana boat dahilan upang ito ay tumaob.
Tatlong crew ng banana boat ang agad na nagtangkang sagipin ang mga sakay, ngunit sa kasamaang-palad, nalunod na ang biktima na si Mary, 45 taong gulang, residente ng Binangonan, Rizal.
Agad siyang dinala sa Hospital ngunit idineklara siyang Dead on Arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente upang matukoy kung may pananagutan ang sinuman sa nangyari. | BChannel NEWS