Isang Chinese na babae ang naaresto matapos tangkaing pasukin ang bahay ng BTS member na si Jungkook, mismong araw ng kanyang military discharge, ayon sa ulat ng pulisya nitong Huwebes.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-11:20 ng gabi nitong Miyerkules, ilang beses pinindot ng suspek na isang babae sa edad 30s, ang keypad door lock ng bahay ni Jungkook sa Yongsan District, Seoul.
Agad rumesponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat tungkol sa tangkang trespassing, at inaresto ang babae sa mismong lugar ng insidente.
Sa paunang pahayag ng suspek sa pulisya, sinabi nitong lumipad siya papuntang South Korea para personal na makita si Jungkook, na kakalabas lamang sa military service matapos ang 18 buwang mandatoryong serbisyo.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek at posibleng kasong isasampa laban sa kanya.