Nahuli na ang mag-asawang nasa Rank No. 5 ng Most Wanted Person – Provincial Level sa Batangas dahil sa kasong Syndicated Estafa.
Naaresto sina Ronald at Shielan, kapwa 34-anyos at negosyante mula Brgy. Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Las Piñas City.
Ang operasyon ay isinagawa alas-9:30 ng gabi noong Hunyo 12, 2025 sa Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro sa pangunguna ni PMAJ Charlie Reyes ng Cuenca Police, katuwang ang RID-CIT 4B Team.
Ang mag-asawa ay may kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 2(A) ng Revised Penal Code, kaugnay ng Presidential Decree 1689 kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya. | BChannel NEWS