Inanunsyo ng Food and Drug Administration na may 10 bagong gamot na idinagdag sa listahan ng VAT-exempt ng BIR.
Ayon sa FDA Advisory No. 2025-0510 na inilabas noong June 4, sakop ng mga gamot ang pang-high cholesterol, cancer, diabetes, hypertension, at mental health disorders.
Idadagdag ang mga ito sa VAT-exempt list ng BIR.
Layunin ng hakbang na ito na pababain ang presyo ng mga gamot at gawing mas accessible ang gamutan para sa mga Pilipinong may malalang karamdaman.
Pinangungunahan ni FDA Director General Paolo Teston ang patuloy na pakikipagtulungan sa BIR sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para palawakin pa ang listahan ng VAT-free na gamot.