Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek bandang alas-10 ng gabi nitong Hunyo 13 sa Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Ayon sa Lucena Police Station, habang naglalaba at nagsasampay sa tapat ng kanilang bahay, bigla na lamang pinaputukan ng 9mm na baril ang biktimang si Len. Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Kasalukuyang nagsasagawa ng dragnet operation, CCTV review, at witness interview ang Lucena Police. Blangko pa rin ang motibo sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon.