Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Villa San Mateo 1, Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal, bandang alas-7:30 ng gabi nitong July 2.
Sa paunang imbestigasyon ng San Mateo Police, kinilala ang biktimang si Elizabeth, 47-anyos, isang nursing assistant. Ayon sa pulisya, ang suspek ay ang kanyang live-in partner na si Christopher, 43-anyos, isang vegetable vendor.
Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa matapos hindi muling mapautang si Christopher, na nalugi sa kanyang negosyo. Dito na raw sinakal ng suspek ang biktima sa loob ng banyo.
Ninakaw rin umano ni Christopher ang vault na may lamang P20,000 bago tumakas patungong Abuab area sa parehong barangay. Patuloy ang manhunt laban sa suspek na ngayon ay at-large.
Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ang suspek, habang humihingi na ng tulong ang pulisya mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Rizal para sa mas malalim na imbestigasyon. | BChannel NEWS