Mahigit 1,000 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 3, ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Kabuuang 1,004 PDL ang nakalaya matapos ma-acquit, mabigyan ng probation o parole, makapagpiyansa, o matapos ang sentensiya. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umabot na sa 24,583 PDL ang pinalaya.
Kabilang sa mga pinalaya ay mula sa New Bilibid Prison, Davao at Leyte Prison, at Sablayan Penal Farm.
Samantala, pinangunahan ni Justice Secretary Boying Remulla ang pagbubukas ng bagong Bureau of Immigration Warden Facility sa loob ng BuCor compound sa Muntinlupa City.
Layunin nitong pansamantalang tuluyan ang mga dayuhang may deportation case. Ang pasilidad ay nasa dating barracks ng Muntinlupa Juvenile Training Center at may sukat na 1,260 square meters.
Ayon kay Catapang, maglalaan pa ang BuCor ng 1 ektarya ng lupa para sa karagdagang gamit ng Immigration. | BChannel NEWS