Isang lalaki ang binaril at napatay sa Sto. Niño St., Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal, bandang alas-12:40 ng madaling araw, Hulyo 5, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalakad ang biktima sa lugar, biglang sumulpot mula sa isang eskinita ang hindi pa nakikilalang suspek at paulit-ulit na binaril ang biktima sa ulo gamit ang hindi pa matukoy na baril. Dead on the spot ang lalaki, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.
Agad tumakas ang suspek patungong Manila East Road, habang nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad. Patuloy din ang CCTV backtracking at dragnet operation sa lugar.
Humingi na rin ng tulong ang mga imbestigador mula sa SOCO. | BChannel NEWS