Dinagsa ng mga residente ang kauna-unahang community roll-out program ng DITO Telecommunity na pinamagatang “TODO NA DITO SA BARANGAY”, na isinagawa sa Alangilan Elementary School ng Barangay Alangilan, Batangas City ngayong July 6.
Ayon kay Angelo Cruz, Trade Marketing Manager ng DITO para sa Southern Luzon, Batangas City ang napiling pilot area ng proyekto dahil sa aktibong suporta ng mga barangay officials.
Layunin rin ng programa ang makipag-ugnayan sa mga barangay at magbigay ng kabuhayan gaya ng retailer program kung saan sa halagang P300, maaaring makapagsimula ng negosyo ang mga Batangueño.
Mula alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, ang alok ng mga libreng serbisyo tulad ng haircut, massage, Zumba, palaro para sa mga bata, at may product booths at freebies pa.
Ayon naman kay Engr. Christian Clemeno, community partner ng DITO Mobile PH, nais nilang ibaba ang serbisyo sa bawat barangay at mas mapalapit sa komunidad sa pamamagitan ng mga libreng aktibidad at livelihood assistance.
Todo pasalamat at todo-saya ang mga dumalo’t nakinabang na residente sa inialok ng DITO Telecommunity.
Sa panayam pa ng BChannel NEWS, asahan na susunod na rin ang iba pang barangay sa Batangas City para sa ganitong proyekto na layong magbigay serbisyo, saya at kabuhayan sa bawat kabarangay. | via JMPamintuan, BChannel NEWS