Tatlo ang nasawi habang isa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal, pasado ala-una ng madaling araw ng Linggo.
Ayon sa BDRRMO, kabilang sa mga nasawi ang 60-anyos na ina, ang kanyang 30-anyos na anak na babae, at manugang nitong 28-anyos. Natagpuan ang tatlo sa loob ng banyo, hinihinalang nagtangkang makatakas.
Isang biktima naman ang tumalon mula terrace at nagtamo ng first-degree burn. Nasa East Avenue Medical Center na ito ngayon.
Unang alarma ang naitala sa sunog na naapula bandang 2:50AM sa tulong ng apat na fire trucks.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi at kabuuang pinsala ng insidente.| BChannel NEWS