Binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong ideklarang National Polytechnic University ang PUP o Polytechnic University of the Philippines.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing ngayong Biyernes, July 11, 2025.
“Mananatili naman po ang Pangulo at umaasa siya na ang PUP po ay magkakaroon ng national university status kapag na-comply nila ang mga requirements.”
Ibig sabihin, hindi pa aprubado ang pagiging national university ng PUP hangga’t hindi natutugunan ang mga hinihinging compliance o requirements. | BChannel NEWS