Natagpuan ng mga awtoridad ang isang sako na may laman umanong sunog na buto sa Taal Lake, ayon kay Batangas Police Director Col. Geovanny Emerick Sibalo.
Pasado alas-dos ng hapon nang makita ang sako sa may 10 metro mula sa dalampasigan. Kaagad itong isinailalim sa forensic investigation ng SOCO para alamin kung buto nga ito ng tao.
Kinumpirma ng Department of Justice na posibleng burned human bones ang laman ng naturang sako, base sa paunang inspeksyon ngayong Huwebes, July 10. Isasagawa pa ang DNA testing para malaman kung konektado ito sa mga nawawalang sabungero.
Sa panayam ng BChannel NEWS kay Laurel MPS OIC PMAJ Rhyan Olave, isinailalim na sa forensic processing ang mga ebidensya. | BChannel NEWS