Isang construction worker ang naiulat na nawawala matapos maligo mag-isa sa dagat sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas bandang alas-6 ng gabi nitong Hulyo 11.
Ayon sa San Juan MPS, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga barangay opisyal kaugnay sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita umano ng saksi ang biktimang si Alberto Sarco Cabrera Jr., 49 anyos, na lumalangoy mag-isa ngunit hindi na nakabalik sa kanyang barracks.
Agad humingi ng tulong sa Coast Guard Subukin Substation at San Juan MDRRMO para sa search and retrieval operations.
Ayon sa report ng San Juan Police, ang biktima ay nagtatrabaho bilang construction worker sa DATEM Inc. sa Club Laiya. | BChannel NEWS/A.Simara