Isinusulong ni Senate President Chiz Escudero ang paglikha ng P20-billion trust fund para sa kapakanan ng uniformed personnel at kanilang pamilya.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 276, layunin ng batas na gawing permanente ang Comprehensive Social Benefits Program o CSBP para sa mga miyembro ng AFP, PNP, BFP, BJMP, BuCor, Coast Guard at CAFGU.
Ayon kay Escudero, hindi sapat na umaasa lang sa executive orders ang mga benepisyo ng mga tagapagtanggol ng bayan.
Dapat daw itong gawing batas para tuloy-tuloy ang tulong, lalo na kapag nasugatan, namatay sa duty, o nagretiro ang mga ito.
Sasaklawin ng pondo ang lump sum assistance, educational at medical aid, pabahay, at rice subsidy.
Layunin nitong kilalanin ang sakripisyo ng mga Uniformed Personnel sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa. | BChannel NEWS