Umangat ang Batangas State University – The National Engineering University, o BatStateU The NEU, sa ika-111 puwesto sa 2025 World University Rankings for Innovation o WURI.
Mula sa dating rank 128, napabilang na ito ngayon sa Top 400 most innovative universities sa buong mundo, mula sa kabuuang 1,253 universities mula sa 87 bansa.
Ayon kay Dr. Tirso A. Ronquillo, President ng BatStateU, ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa innovation at pagbibigay-solusyon sa mga isyu ng lipunan gamit ang edukasyon at teknolohiya.
Sa tatlong kategorya sa WURI 2025, mataas din ang naging rankings ng BatStateU: 15th place sa Crisis Management – dahil sa kanilang disaster response programs tulad ng Safe Spartan App, Command Center, at community-based mapping systems. 21st place sa ESG Trend – sa tulong ng proyektong BARAKO para sa kape at ULVA para sa environmental research. 24th place sa Infrastructure and Technologies – kabilang dito ang BIO-INSPIRE biotech project at ang “Beyond Paywall” na project para gawing accessible ang IC design.
Hindi lang iyan—BatStateU ay kinikilala rin sa buong bansa bilang Philippines’ National Engineering University sa bisa ng Republic Act 11694.
May mahigit 180 topnotchers na ito sa engineering board exams, at kauna-unahang state university sa bansa na may ABET-accredited programs sa iba’t ibang engineering at IT fields.
Sa kanilang recent achievements sa 2025 Times Higher Education Impact Rankings at pagiging 304th sa pinaka-sustainable universities sa buong mundo ayon sa 2024 UI GreenMetric, patuloy ang kanilang pag-angat hindi lang sa academics kundi pati sa global sustainability. | JMP,BChannel NEWS