May taas-singil sa transmission rates ng kuryente ngayong July 2025, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Tumaas ng 5.49% ang kabuuang transmission rates para sa June billing, mula P1.1482/kWh noong May, naging P1.2113/kWh.
Ang pangunahing dahilan: Ancillary Services o AS, na tumaas ng 9.32% – mula P0.5655/kWh naging P0.6182/kWh. Ito ang bayad para sa backup power na nagbabantay sa balanse ng suplay at demand sa grid.
Nilinaw ng NGCP na hindi sila kumikita sa AS. Ang singil para sa aktwal na delivery ng kuryente ay bahagyang tumaas lang — mula P0.4593/kWh naging P0.4611/kWh.
“Sa July electric bill ng consumers, nasa P0.46/kWh lang ang singil namin para sa delivery service,” saad ng NGCP. | BChannel NEWS