Isang lalaki ang pinaputukan sa Brgy. Buli, Taal, Batangas bandang 3:45 ng hapon nitong July 16, 2025.
Ayon sa Taal MPS, bandang 4:30 ng hapon, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen tungkol sa insidente.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas na habang nasa labas ng kanyang green MPV ang biktimang si Jem, 35 anyos, isang freelance singer at negosyante, ay biglang huminto ang isang red na motorsiklo sa likod ng kanyang sasakyan. Bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan siya pero hindi tinamaan.
Agad na pumasok sa loob ng sasakyan ang biktima habang patuloy na nagpaputok ang suspek. Nang tumama ang isa sa bintana ng driver’s seat, nag-malfunction ang baril at agad na tumakas ang suspek.
Walang nasaktan sa insidente. Isang bala ang narekober sa loob ng sasakyan.
Inilarawan ang suspek bilang lalaki, humigit-kumulang 5’7” ang taas, nakasuot ng itim na long sleeves, maong pants, may suot na helmet, at sakay ng red na motorsiklo. Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng suspek at pagkakakilanlan nito. | BChannel NEWS