Nagbabalik sa entablado ng America’s Got Talent si Jessica Sanchez—at hindi lang basta pagbabalik!
Nitong July 15, 2025, muling pinatunayan ng Filipino-Mexican singer ang world-class talent ng Pinoy matapos niyang makatanggap ng Golden Buzzer at standing ovation mula sa mga hurado ng AGT Season 20!
Si Jessica ay unang sumikat bilang runner-up sa American Idol Season 11 noong 2012, at dati ring naging semifinalist ng AGT Season 1 taong 2006 sa edad na 10.
Ngunit ngayon, dalawang dekada matapos ang kanyang unang sali, bumalik siya with fire and heart sa kanyang performance ng kantang “Beautiful Things” ni Benson Boone.
Ramdam ng lahat ang emosyon, passion, at ang pusong Pilipino sa kanyang rendition.
Ayon kay hurado Sofia Vergara, “This is the special moment, and I think that you deserve this,” bago pinindot ang Golden Buzzer na nagpadala kay Jessica diretso sa live shows!
Binigyan din siya ng standing ovation ng buong panel: Sofia, Simon Cowell, Mel B, at Howie Mandel.
Mula sa batang mang-aawit noon, ngayon ay isa na siyang inspirasyon sa kabataang Pinoy. Isang patunay na kapag sineryoso at pinaglaban ang pangarap, darating din ang tamang panahon para magtagumpay. | BChannel NEWS/Z.Matibag