Inanunsyo ng Social Security System (SSS) ngayong Huwebes, July 31, na magkakaroon ng tatlong taong taas-pensyon para sa lahat ng SSS pensioners.
Ayon sa SSS, magsisimula ito sa Setyembre at ipapatupad ito sa tatlong magkakasunod na taon.
Sa mga pensioner na nagretiro o may disability bago mag-August 31, 2025, makakatanggap sila ng 10% dagdag sa kanilang pensyon simula sa Setyembre. Samantalang ang mga death at survivor pensioners ay makikinabang ng 5% na increase.
Sa 2026 at 2027, magpapatuloy ang parehong increase para sa mga pensioners na nakarehistro bago mag-August 31 ng mga taong iyon. Sa loob ng tatlong taon, inaasahang tataas ang pensyon ng mga retirement at disability pensioners ng 33%, at 16% naman para sa death or survivor pensioners.
Ang programang ito ay walang karagdagang kontribusyon mula sa mga miyembro at makikinabang ang 3.8 milyong pensioners, kabilang ang 2.6 milyong retirement at disability pensioners at 1.2 milyong survivor pensioners.