Isang lalaki ang nasawi habang dalwa ang sugatan matapos makuryente sa Purok 2, Brgy. Talaga, Tanauan City Batangas nitong July 31, alas 3:15 ng hapon.
Ayon sa report mula sa Tanauan City Police Station (CCPS), habang nag-i-install ng solar light poles ang tatlong workers sa kahabaan ng Tanauan-Talisay-Tagaytay Road nang mangyari ang insidente.
Sa imbestigasyon iniinstall ang isang metal solar light pole, aksidenteng nadikit ito sa isang live wire, dahilan ng pagkakakuryente sa tatlong biktima.
Sa aksyon ng Barangay Public Safety Officers (BPSO), dinala ang isa sa mga biktima, si Ruel, sa Tanauan Medical Center ngunit idineklarang patay na ng doktor habang siya’y isinasailalim sa paggamot. Si Mario at Andyniel naman ay nagtamo ng electric burns at dinala sa Cabrini Medical Hospital kung saan patuloy silang ginagamot.
Sa kasalukuyan, ang dalawang biktima ay patuloy na inoobserbahan sa ospital, habang ang katawan ni Ruel ay nakalagay na sa morgue ng Tanauan Medical Center. Patuloy pa ang imbestigasyon at ocular inspection sa lugar ng insidente. | BChannel NEWS