Patay sa pananaksak ang 43-anyos na lalaki sa Brgy. Kaylaway, Nasugbu, Batangas, bandang 1:12 AM, nitong Agosto 1.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Nasugbu MPS, ang biktima na si Arnel at ang suspek na si Rolando ay nag-iinuman nang maganap ang isang alitan sa pagitan nilang dalawa. Dahil sa hindi pagkakasunduan, kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.
Ngunit nakatakas pa ang biktima at tumakbo papalayo, ngunit hinabol siya ng suspek at muling pinagsaksak, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Pagkatapos ng insidente, kusang-loob na sumuko ang suspek sa Barangay Chairman Rico Penol ng Brgy. Kaylaway at isinuko ang ginamit na patalim.
Patuloy ang imbestigasyon ukol sa motibo ng krimen. | BChannel NEWS