Nasawi ang isang lalaki matapos malunod sa karagatang malapit sa Brgy. Mataas Na Bayan, Lemery, Batangas nitong Agosto 3, 2025.
Ayon sa ulat mula sa Barangay Captain na si Edison Mahinay, natanggap ng Lemery MPS ang tawag ng insidente bandang 8:10 ng umaga ng Agosto 4, 2025.
Base sa initial investigation, inilahad ng kasamahan ng biktima na si Wowie Delos Reyes, na nag-iinuman sila sa tabing-dagat nang bigla na lamang tumalon sa tubig ang biktima na si Joan Gumba, 33-anyos, residente ng Cavite City.
Dahil sa kalasingan, tumama ang kanyang noo sa isang batuhan, na naging dahilan upang mawalan siya ng malay.
Dinala agad si Joan sa Batangas Provincial Hospital para sa lunas, ngunit idineklara itong patay ng mga doktor bandang 12:20.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng Lemery MPS ang naturang insidente. | BChannel NEWS