Pinagnakawan na, ginawan pa ng kahalayan ang tauhan ng isang resort and spa sa Purok 3, Brgy. De Ocampo, Trece Martires, Cavite nitong umaga ng Agosto 5, 2025, bandang 3:45 AM.
Ayon sa imbestigasyon mula sa Trece Martires City Police Station, bandang 1:40 AM nang dumating ang mga suspek na nagkunwaring mga customer.
Ngunit ilang minuto lamang, ang mga suspek ay nagdeklara ng hold-up at tinangay ang mga gamit at cash na nagkakahalaga ng P2,950.
Pagkatapos nito, dinala nila ang 20 taong gulang na cashier, sa kitchen area kung saan siya pinagsamantalahan.
Sa ngayon, nagsagawa na ng mga hakbang ang pulisya kabilang ang pagsusuri sa mga CCTV footage at isang manhunt operation laban sa mga suspek.
Inilarawan ang mga suspek bilang dalawang kalalakihang saksi sa isang puting motorsiklo, na nakasuot ng red helmet, white t-shirt, at jacket.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan. | BChannel NEWS