Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang Maximum Allowable Revenue (MAR) at Under-Recoveries (UR) ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP mula 2016 hanggang 2022.
Kasama sa desisyon ang pagbaba ng energy consumption mula Hunyo hanggang Hulyo 2025, dahilan ng pagtaas ng transmission rates sa Hulyo 2025 billing period.
Mula sa PhP0.4611/kWh noong Hunyo 2025, tumaas ang transmission rate sa PhP0.5923/kWh, o dagdag na PhP0.1312/kWh.
Samantalang ang Ancillary Services Rates ay bumaba mula PhP0.6182/kWh sa PhP0.5872/kWh.
Ang kabuuang average transmission rate para sa Hulyo 2025 ay tumaas ng 9.25% sa PhP1.3233/kWh mula PhP1.2113/kWh noong Hunyo.
Ang ERC ay nag-apruba ng fixed UR rate na PhP0.0384/kWh na ipapatupad sa loob ng 84 buwan hanggang mabawi ang PhP28 Billion.
Pumayag din ang ERC na mangolekta ang NGCP ng dagdag na PhP6.62 Billion mula sa MAR increase, kaya’t tumaas ang naunang aprubadong MAR mula PhP51.47 Billion sa PhP58.10 Billion.
Ang dagdag na ito ay magagamit para palakasin pa ang power grid ng bansa. | BChannel NEWS | PR