Patuloy na naitatala ang volcanic tremor sa Taal Volcano ayon sa PHIVOLCS, na umabot na sa ika-anim na araw nitong Agosto 14.
Base sa datos ng ahensya, noong Agosto 9, isang tremor ang naitala, sinundan ng 17 tremors noong Agosto 10, 5 naman noong Agosto 11, at 4 noong Agosto 12. Bigla namang tumaas sa 30 ang naitalang tremor noong Agosto 13, at nitong Agosto 14 ay mayroon pang 2 volcanic tremors na tumagal mula 1 hanggang 382 minuto sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, noong Agosto 12, naitala nila ang 108 tonelada ng sulfur dioxide na umaabot sa araw-araw na pagpapalabas mula sa bulkan. Mayroong 300 metrong taas ng mahinang pagsingaw ng usok na dumadaloy patungong hilagang-silangan.
Kasalukuyang nananatili sa Alert Level 1 o bahagyang aktibidad ang Taal Volcano. Pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa Taal Volcano Island para sa kanilang kaligtasan. | BChannel NEWS