Inanunsyo ni Atty. Rudolf Philip Jurado, chief of staff ni Senator Robin Padilla, na pansamantalang pinag-leave of absence ang actress na si Nadia Montenegro habang iniimbestigahan ang insidente ng paggamit umano ng marijuana sa loob ng Senado.
Ayon kay Jurado, hindi nagbitiw si Montenegro sa kaniyang posisyon bilang political officer ng senador, kundi pinili lamang na mag-leave of absence habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Pinawi rin ni Jurado ang mga balitang nag-resign na ang actress.
Binigyan si Montenegro ng limang araw, hanggang Agosto 18, upang magsumite ng written explanation tungkol sa insidente at pinakiusapan din itong sumailalim sa drug test.
Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA), at inatasan si Montenegro na mag-leave of absence simula noong Agosto 13. | BChannel NEWS