Ang Ghost Month ba ay tungkol sa mga multo o espiritu na naglalakbay sa ating mundo? O baka naman tungkol ito sa mga taong nag-“ghost” sa’yo? Pero seryoso, narinig mo na ba ang tungkol sa Ghost Month?
Sa kultura ng mga Tsino, kilala ito bilang Hungry Ghost Month o Ghost Festival. Kadalasang ipinagdiriwang ito sa mga bansang may malaking komunidad ng Tsino tulad ng Taiwan, Thailand, at Vietnam.
Kailan ang Ghost Month? Ayon sa mga Taiwanese media, ito ay ipinagdiriwang tuwing ikapitong buwan ng Lunar Calendar. Pero tandaan, ang mga petsa ay nagbabago bawat taon depende sa Lunar Calendar.
Sa darating na Agosto 23, magsisimula ang tinatawag na Ghost Month, isang tradisyon sa maraming komunidad sa Asya. Magtatagal ito hanggang Setyembre 21, 2025.
Ano ang nangyayari tuwing Ghost Month?
Ayon sa mga Buddhists at Taoists, ang buwan na ito ang panahon kung kailan bukas ang “Gate of the Underworld” at ang “Heaven,” kaya’t aktibo ang mga espiritu. Sila ay mga kaluluwang hindi nakatagpo ng kapayapaan, kaya’t naglalakbay sila sa mundong ito para maghanap ng pagkain, kasiyahan, at mga panalangin.
May paniniwala na ang mga “hungry ghosts” ay mga kaluluwa na may hindi natupad na pangarap o matinding pagnanasa noong sila ay nabubuhay pa. Madalas silang magdulot ng kalituhan at malas sa mga buhay. Kaya’t inaabot ng mga tao ang pagkain, inumin, at dasal upang matulungan silang magkapayapaan.
Sa mga tradisyunal na komunidad ng Tsino, may mga insenso o kandila na sinusunog, at nagbibigay ng pagkain sa mga espiritu.
Kaya sa pagdiriwang na ito, hindi lang upang mag-alay sa mga yumao, kundi para ipaalala sa atin na magbigay galang at respeto sa mga namayapa. | BChannel NEWS