Nasawi ang isang lalaki matapos aksidenteng pumutok ang ipinagmalaking improvised dynamite na ginagamit sa iligal na pangingisda o “Bigas-bigas” sa Barangay Luod, Patnanungan, Quezon bandang alas-1:00 AM, Agosto 15, 2025.
Ayon sa Patnanungan Municipal Police Station, ang biktima, si Larry, 46-anyos, isang magsasaka, ay lasing nang mangyari ang aksidente.
Kasama niya ang kanyang manugang nang ipagmalaki nito ang isang explosive device bago ito subukang sindihan.
Ngunit agad itong pumutok, na nagresulta sa pagkabasag ng kanyang dalawang kamay at malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Agad siyang dinala sa pagamutan para sa lunas ngunit idineklara itong patay bago pa man matransfer sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng iligal na dynamite na ginamit sa insidente. | BChannel NEWS