Natuklasan ni Batangas 1st District Congressman Leandro Legarda Leviste ang seryosong problema sa isang flood control project sa Binambang River, Barangay Santol sa Balayan Batangas.
Ayon sa kanya, ang sheet piles na itinayo ng mga contractor ay may sukat na mula 3.96 hanggang 5.5 meters. Ngunit base sa drawing mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang itinakdang taas para sa proyekto ay 15 meters, kaya’t naging dahilan ng agarang pagkasira ng proyekto noong bagyong Kristine noong nakaraang taon.
“Ang proyekto ay nasira na noong nakaraang taon, at ang ginagawa natin ngayon ay pagsukat sa mga sheet piles kasama ang DPWH,” pahayag ni Congressman Leviste.
Aniya, ang proyekto na may halagang 380 milyong piso, ay ini-install ng mga contractor ngunit hindi sinunod ang mga itinakdang sukat. | BChannel NEWS