Isang Engineer ang binar!l sa kahabaan ng national highway sa Sitio Omanod, Barangay San Francisco, Santa Catalina, Negros Oriental ngayong Miyerkules ng umaga, August 27.
Kinilala ang biktima na si Engr. Angelito Uy Mendoza, 58 anyos, residente ng Barangay Manlongin.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matapos makipagkape sa mga kaibigan ang biktima, sumakay ito ng kanyang motorsiklo papunta sa quarry site sa Barangay San Francisco nang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek na naka-motorsiklo. Agad siyang isinugod sa ospital para gamutin.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang mga salarin at ang motibo ng pamamaril. | via BChannel NEWS