Isang kritikal na security alert ang inilabas ng Google para sa mahigit 2.5 billion Gmail users sa buong mundo matapos ang serye ng matagumpay na pag-atake ng hackers.
Ayon sa ulat, milyon-milyong accounts ang posibleng nalagay sa panganib dahil sa mga phishing scam—mga pekeng email na naglalayong makuha ang login details at two-factor authentication codes ng mga biktima.
Lumabas din na may hiwalay na breach sa Salesforce database na konektado sa hacker group na ShinyHunters.
Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ang lahat ng Gmail users na agad mag-update ng password, gumamit ng two-factor authentication, at maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang email.
Mahalaga rin ang regular na pag-check ng account activity upang maagapan ang anumang hindi awtorisadong pag-access.
Ayon sa Google, mas mainam na maging alerto at proactive upang maprotektahan ang personal at mahalagang impormasyon. | BChannel NEWS