Hindi na kailangang ilabas ang mga persons deprived of liberty o PDLs sa Calapan City District Jail matapos ipatupad ang online hearings sa ilalim ng Tech4ED program ng DICT.
Sa sistemang ito, mas mabilis at episyente ang paglilitis dahil puwedeng makadalo online ang mga hukom, abogado, at PDLs. Nabawasan din ang gastos ng pamahalaan at panganib sa seguridad dahil nananatili sa kulungan ang mga PDL habang may pagdinig.
Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo ng BJMP–Mimaropa, bahagi ito ng modernisasyon ng ahensiya upang matiyak ang tuloy-tuloy na hustisya habang prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga PDL at jail personnel.
Ipinapakita ng e-Hearings na ang teknolohiya ay mahalagang kasangkapan sa pagbibigay ng mas mabilis at makataong hustisya. | 📸JO3 Joefrie Anglo, IO-BJMP MIMAROPAJO3 Joefrie Anglo, IO-BJMP MIMAROPA