Dalawang reticulated python o sawa ang ligtas na na-rescue ng ENRO sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City.
Unang nasagip ang sawa na may habang 2.8 metro at timbang na anim na kilo sa Road 1, Arce ng naturang barangay.
Kasunod nito, isa pang sawa na may habang dalawang metro at sampung sentimetro at bigat na halos isang kilo ang itinurn-over ni Konsehal Allan Jeff Evangelista mula naman sa Sitio Ferry.
Ayon sa DENR, ang mga reticulated python ay likas na matatagpuan sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas, at karaniwang nakatira malapit sa kagubatan, ilog, lawa at iba pang katubigan.
Bagama’t nakalista bilang “least concern” sa IUCN dahil sa lawak ng kanilang distribusyon, itinuturing itong pinakamahaba at pinakamalaking ahas sa mundo na maaaring umabot ng hanggang 350 pounds ang bigat.