Magaganap ang isang total lunar eclipse na makikita sa Pilipinas sa darating na September 7 at 8, ayon sa Pagasa.
Sa loob ng halos 1 oras at 23 minuto, tuluyang matatakpan ng anino ng mundo ang buwan.
Magsisimula ang penumbral phase ng alas-11:27 ng gabi ng September 7, susundan ng partial eclipse pagsapit ng alas-12:27 ng hatinggabi.
Papasok sa totality ang buwan bandang 1:30 a.m. ng September 8 at tatagal hanggang 2:53 a.m., habang matatapos ang penumbral phase pagsapit ng 4:57 a.m.
Ayon sa PAGASA, ligtas panoorin ang lunar eclipse kahit walang gamit na protective eyewear.
Makikita rin ang kabuuan ng blood moon na ito sa East Africa, Asia, at Australia.