Arestado ang dating barangay kagawad na si “Roden,” isang negosyante, matapos ang isinagawang operasyon ng Batangas Provincial Police Office, Tanauan City Police, at SWAT ng 1st Provincial Mobile Force Company noong September 1.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:30 ng umaga hanggang 7:55 ng umaga isinagawa ang operasyon sa V. Luna Street, Barangay 4, Tanauan City, sa bisa ng search warrant.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang .45 pistol, tatlong magazine, mahigit 50 bala ng caliber .45, 50 bala ng caliber .38, at apat na bala ng 9mm.
Kasama ng mga barangay opisyal, isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra loose firearms. Dinala sa PIU-BPPO ang suspek at mga ebidensya para sa tamang disposisyon kung saan mahaharap sa kasong Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay PCol. Sibalo, tuloy-tuloy ang operasyon laban sa mga lumalabag sa batas. | BChannel News