Biglaang tumaas ang naitatalang sulfur dioxide o nilalabas na asupre ng Bulkang Taal sa Batangas, dahil dito pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng volcanic smog o vog, ayon sa Phivolcs.
Mula sa 450 tonelada noong Agosto 27, umabot ito sa 4,514 tonelada noong Agosto 30.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, maaring dulot ito ng biglaang paglabas ng gas mula sa magma, ngunit hindi nangangahulugan na agad mag-e-erupt ang bulkan.
Samantala, tatlong volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal kabilang ang isang nagpapatuloy na volcanic tremor event na nagsimula pa noong Agosto 27, 2025 hanggang ngayong Martes, September 2.
Nanatili ang Taal sa Alert Level 1. Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island dahil sa panganib ng biglaang pagsabog o steam-driven eruptions.