Ilang flights ang nakansela sa Busuanga, Palawan, matapos hindi makaalis sa runway ang isang eroplano ng PAL Express kaninang umaga, September 5.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, ligtas na nakalapag ang PAL Express flight mula Maynila bandang 7:47 AM, pero nagkaroon ito ng technical issue kaya’t hindi nakababa sa runway.
Dahil dito, naglabas ng Notice to Airmen ang CAAP mula 9:13 AM hanggang 2:00 PM, na nagresulta sa siyam na flight cancellations, isang diversion, at isang delay mula sa PAL Express at CebGo.
Katuwang ang Philippine Air Force, agad na nagsagawa ng clearing operations para maalis ang eroplano.
Ayon kay CAAP Director General Raul Del Rosario, prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at ginagawa ang lahat para agad maibalik sa normal ang operasyon ng paliparan.