Pasok na sa finals ng Guadalajara 125 Open si Filipino tennis star Alex Eala matapos talunin ang American na si Kayla Day, 6-2, 6-3, sa Mexico nitong Sabado ng umaga oras sa Maynila.
Makakatapat ni Eala sa championship match ang Hungarian na si Panna Udvardy, na nanaig laban kay Russian Maria Kozyreva.
Matatandaang naging makasaysayan ang kanyang career nang maging unang Pinoy na nanalo ng main draw match sa Grand Slam US Open noong nakaraang buwan.
Ang championship game ay nakatakda ngayong Linggo ng umaga, oras sa Maynila. | BChannel News