Dalawa ang nasawi matapos bumangga ang isang motorsiklo sa isang dump truck sa Gov. Carpio Road, Barangay Tulo, Batangas City, nitong Huwebes ng umaga, September 4.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas City Police Station, pasado alas-11 ng umaga, minamaneho ni Lanie, 38 anyos, ang isang motorcycle. Habang tinatahak ang kalsada patungong Barangay Sampaga, tinangka nitong mag-overtake sa kaliwa. Ngunit sa kanyang pag-overtake, napunta ang motorsiklo sa kabilang linya at bumangga sa paparating na dump truck.
Ang nasabing dump truck ay minamaneho ni Elizar, 58 anyos, residente ng Nueva Ecija.
Sa lakas ng impact, parehong nagtamo ng malubhang pinsala si Lanie at ang backrider nitong si Claribel, 37 anyos, taga-Barangay San Jose Sico, Batangas City.
Nadala pa sila sa Batangas Medical Center ng rumespondeng Red Cross ngunit idineklara silang dead on arrival.| BChannel news