Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa ilog malapit sa STAR Tollway, Balagtas Exit, Brgy. Balagtas, Batangas City bandang alas-9:11 ng umaga, Setyembre 8.
Ayon sa Batangas Provincial Police Office, ang katawan ay unang nadiskubre ni Eric, 34-anyos mula Lipa City.
Agad na rumesponde ang Batangas City Fire Station at nagsagawa ng retrieval operation kasama ang BFP-SRF, ambulance team, at mga lokal na awtoridad.
Sa ngayon, nananatiling hindi pa nakikilala ang biktima. Inilarawan itong isang lalaki, tinatayang nasa edad 30 hanggang 40, may taas na limang talampakan at tatlong pulgada, payat ang pangangatawan, at nakasuot ng itim na hoodie jacket at jersey shorts.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay ng naturang biktima. | BChannel News