Patay ang Conservative activist at Turning Point USA co-founder na si Charlie Kirk, matapos barilin sa isang event sa Utah Valley University ngayong Huwebes, oras sa Pilipinas.
Si Kirk ay nasa Orem campus para sa kanyang “American Comeback Tour” nang barilin. Sa video ng insidente makikita na nagsasalita siya sa harap ng malaking crowd nang biglang pumutok ang baril.
Samantala, nagsagawa ng evacuation ang university police habang nagpapatuloy ang operasyon.
Nagkaroon naman ng kalituhan sa imbestigasyon — ayon kay Utah Gov. Spencer Cox, may person of interest na hawak ang mga awtoridad, ngunit giit ng Department of Public Safety, nananatiling at large ang suspek.
Nagpahayag ng pagdadalamhati si dating Pangulong Donald Trump, tinawag si Kirk na “legendary” at malapit sa puso ng kabataan sa Amerika.
Mabilis na kinondena ng mga opisyal mula sa iba’t ibang partido ang pamamaril at nanawagan laban sa political violence.