Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Brgy. San Andres Bundok, Atimonan, Quezon bandang alas-10:02 ng umaga, September 10, 2025.
Kinilala ang biktima na si Mark, legal age, na unang nai-report na nawawala bandang 12:40 AM ng parehong araw.
Ayon sa imbestigasyon ng Atimonan Police, nakipag-inuman umano ang biktima sa kaniyang kapitbahay na kinilalang si Aegen, na ngayon ay pinaghahanap na. Narinig pa raw ng live-in partner ng biktima ang mainit na pagtatalo mula sa bahay ng suspek bago ito tuluyang hindi nakauwi.
Nagsagawa agad ng search operation ang Atimonan MPS kasama ang barangay officials, ngunit pansamantalang nahinto dahil sa masamang panahon.
Nang ipagpatuloy kinabukasan, doon natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa mabundok na bahagi ng barangay.
Patuloy ang hot pursuit operation, dragnet sa kalapit na bayan, at tulong mula sa Quezon Provincial Forensic Unit para sa crime scene processing. Sa ngayon, nananatiling under investigation ang kaso at inaalam na rin ang motibo sa krimen.