Ipinahayag ng Malacañang na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) ang karapatan ng taumbayan sa malayang pamamahayag at sinusuportahan niya ang anumang pagkilos laban sa korapsyon.
Ayon kay Press Officer Claire Castro, ang damdamin ng mga Pilipino kaugnay sa mga isyu ng katiwalian, partikular sa flood control projects, ay kinikilala at pinapahalagahan ng Pangulo.
Dagdag pa niya, hangad ng Palasyo na ang kilos-protesta ay hindi magamit ng mga grupo na nais magpabagsak sa pamahalaan.
Ang kilos-protesta na tinawag na “A Trillion Peso March” ay pinangunahan ng Church Leaders Council for National Transformation, na nananawagang magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at pag-asa.
Kasabay nito, binuo na ng Pangulo ang Independent Commission for Infrastructure o ICI, isang fact-finding body na tututok sa imbestigasyon ng mga iregularidad sa flood control at iba pang proyekto ng imprastraktura sa nakalipas na sampung taon. | Bchannel News