Nauwi sa gulo at pamamaril ang inuman sa Brgy. Bulakin 1 sa Dolores Quezon kagabi, September 14, bandang 8:20 PM.
Ayon sa Dolores Police Station, nag-init ang ulo ng mga kasama sa inuman kaya nagkaroon ng pisikal na alitan.
Sa gitna ng kaguluhan, binaril ni Harold, 19, si Clarence, 21, na nagtamo ng tama sa kaliwang balikat, habang si Reomel, 30, ay tinamaan ng matigas na bagay at idineklarang dead on arrival sa San Pablo Medical Center.
Agad na rumesponde ang mga pulis, dinala ang mga biktima sa ospital, at isinagawa ang follow-up operation laban sa mga suspek na tumakas.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang insidente at humingi ng tulong ang pulisya sa SOCO para sa crime scene processing.
Ayon sa pulisya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang motibo sa krimen.
Ang suspek na si Arnold, 31, ay naaresto na, habang sina Harold at Ryan ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya. | BChannel NEWS