Isang lalaki ang pinatay sa isang brutal na pamamaril sa Sitio Siitan, Brgy. San Isidro, Candelaria, Quezon kagabi ng Setyembre 14, 2025, bandang alas-9.
Ayon sa imbestigasyon ng Candelaria Police, habang nasa loob ng bahay ang biktima, biglang pumasok ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki, hinila ang biktima palabas, at pinaputukan ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kinilala ang biktima na si Joel, 45 taong gulang, magsasaka at residente ng San Juan, Batangas, na nakatira sa nasabing barangay.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kinakausap ang mga nakapaligid na residente at humihingi ng tulong sa SOCO para sa crime scene processing. Pinaghahanap din ang posibleng CCTV footage sa paligid. Inaalam na rin ang motibo sa pagpaslang sa biktima.
Ang mga suspek ay dalawang lalaki, nakasuot ng maitim na jacket at shorts, na kasalukuyang hindi pa matukoy. | BChannel news