Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan sa isang masukal na bahagi ng Brgy. Sta. Rita Karsada, Batangas City bandang alas-11:55 ng umaga nitong Setyembre 17.
Ayon sa Batangas City police station, isang vendor na nakilalang si Ronald ang nakadiskubre sa katawan na naaagnas na katawan. Pugot rin ang ulo ng biktima base sa larawan.

Agad itong ini-report sa Batangas City Police Station pasado ala-una ng hapon.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Batangas City Police at BPFU team upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng pagkamatay. | BChannel news