Magpapatupad ng malawakang audit sa lahat ng farm-to-market road projects mula 2021 hanggang 2025 ang Department of Agriculture sa utos ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Kasunod ito ng imbestigasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga flood control projects ng DPWH.
Ayon kay Tiu Laurel, kailangang masiguro ang transparency at kalidad ng FMRs na dapat nag-uugnay sa mga sakahan at pamilihan, at hindi maging “farm-to-pocket projects.”
Batay sa datos, target ng gobyerno ang 131,000 kilometro ng FMRs, pero nasa 70,000 kilometro pa lang ang natatapos habang 61,000 kilometro ang backlog. Para sa 2026, P16 billion ang inilaan para rito—malayo sa P56 billion na kahilingan ng mga proyekto.
Iminungkahi ng kalihim ang mas praktikal na disenyo ng mga daan upang mas mapahaba ang pondo at makagawa ng mas maraming kalsada.
Dagdag pa niya, dapat matapos ang audit bago matapos ang taon, bilang patunay na ang pera ng taumbayan ay ginagamit nang tama.
Sa huli, malinaw ang mensahe ng Agriculture Secretary na walang shortcuts, walang excuses—at dapat may patutunguhan ang bawat farm-to-market road. | BChannel News